Monday, September 22, 2008

Jokes!! :)

May ibinulong ang daga sa elepante. Biglang hinimatay ang elepante.

Ano ang ibinulong ng daga?

DAGA: Buntis ako, ikaw ang ama!

SA PAGPAPATULOY….

Dahil di makapaniwala ang elepante, dinala nya ang daga sa doctor.
Tuwang-tuwa ang elepante at masayang ibinulong sa daga ang resulta
ng ultrasound. Biglang hinimatay ang daga.

Ano ang ibinulong ng elepante?

ELEPANTE: Ako nga ang ama, at elepante ang anak natin, at kambal
sila!

—————————-

Isang lalaki na-admit sa St. Luke’s: sunog dalawang hita…

DR: Nurse, i-dextrose mo tapos antibiotic, burn cream at Viagra.

Nurse: Viagra?

DR: para di sumayad yung kumot sa sugat…

—————————-

TEACHER: Anong similarity nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Ninoy
Aquino at Apolinario Mabini?

STUDENT: Ma’am, pagkaka-alam ko po, silang lahat ay pinanganak ng
holiday! smiley

—————————-

ERAP: Soli ko tong nabili kong DVD.

FPJ: Anong problema?

ERAP: Walang picture, tsaka sound. Sayang. Suspense thriller pa
yata to. Tsk, tsk…

FPJ: Anong title?

ERAP: "The Lens Cleaner"

——————————

BATA: Pabili nga po ng ubas….

TINDERO: Wala kame ubas

…kinabukasan…

BATA: Pabili nga po ng ubas…..

TINDERO: Wala kame ubas

…..kinabukasan ulet…

BATA: Mama, pabili nga po ng ubas….

TINDERO: Sinabi na ngang wala e! Pag nagtanong ka pa, iistepler ko
na yang bibig mo!

……..kinabukasan ulet…

BATA: Mama, may stapler kayo?

TINDERO: wala..

BATA: Pabili nga po ng ubas

———————————

FPJ: Aray! Bakit mo ako sinuntok?

ERAP: Tinawag mo ako hipopotamos!

FPJ: Last year pa yon tarantado..!

ERAP: E kanina lang ako nakakita ng picture ng hipopotamos…!
Tanga!

——————————–

AMO: Inday, ilipat ang comforter sa kwarto.

INDAY: San ko ilagay kuya?

AMO: Ipatong mo lang sa kama

Maya-maya….

INDAY: Andun na po. Sinama ko na rin ang frenter at iskaner…=)

——————————

PROMDI: Lam ko promdi lang ako kaya wag mo kong lolokohin!

Bakit ganito ang kwarto ko?!?!

Maliit, wala pang kama at bintana…. ha?!?!

ROOMBOY: Sir, nasa elevator pa lang po tayo…

——————————

MRS: Bakit ngayon ka lang?

MR: Pasensha na, nagyaya mga officemates ko, nagkainuman lang.
Hehe!

MRS: Lasing ka no?

MR: Hindi!

MRS: Anong hindi?! Wala ka namang trabaho, pano ka nagka-officemates?!!

No comments: